a person with considerable experience in a certain field is called...

Friday, July 27, 2001

dahil ganyan kita kamahal

ito’y laging tatandaan na ika’y aking mahal na mahal, ang pagibig ko sa’yo na aking alay ay sadyang totoo at tunay, wag mag isip ng ano pa man, dahil ikaw lang ang laman ng aking puso at isipan, ganyan kita kamahal, lumipas man ang araw at oras, ang pagibig ko sa’yo’y hindi mangu-ngupas, dahil ikaw lang ang aking mahal, ang iyong laging tatandaan na hindi kita iiwan, hindi ako mawawala sa puso mo, hindi magkukulang, hindi magbabago ang pagibig ko sa’yo, dahil ganyan kita kamahal; dahil ganyan kita kamahal words by zantuangelo 27th of july, 2001

Monday, July 23, 2001

bakit ito ang kapalit

akala ng aking puso ko ikaw na ang sadyang magmamahal ng tunay, ngunit pagibig mo’y biglang naglaho, ngayon ika’y wala na sa aking buhay, tayong dalawa'y nagsumpaan na tayo'y magmamahalan, ngunit ika'y tumalikod at ako’y iyong iniwan, alam mo ba na mahal na mahal kita, isip at oras sa’yo ay binigay, alam mo ba ang pagibig ko sa’yo ay tapat, pagmamahal ko sa’yo ay totoo, ngunit bakit ito ang kapalit ang iyong paglisan, sadyang kay sakit dito sa puso kong tapat, tumigil man ang aking pagluha, sadyang kay hirap tanggapin, dahil ang tanong ng aking isip
bakit ito ang kapalit;
bakit ito ang kapalit words by zantuangelo 23rd of july, 2001

Wednesday, July 18, 2001

aking mahal

maski ito’y laging sasabihin, kahit ito’y laging babanggitin, sana ito’y paniwalaan na ika’y aking mahal, gabi-gabi ika’y nasa panaginip, araw-araw ika’y laman ng isip, sa bawat sandali ang hanap ay ikaw aking mahal, anong saya na ika’y aking mahal, anong tuwa na ako’y iyong mahal, ikaw lang ang aking iibigin, ikaw lang ang aking mamahalin aking mahal, tayo’y mangako, na ang pagibig natin ay hindi maglaho, malapit man o malayo, ang pagmamahalan natin sa isa’t isa ay hindi magbago; aking mahal words by zantuangelo 18th of july, 2001

Thursday, May 17, 2001

it's not enough

you’re so far, can't hear the beat of your heart, how i’m longing to touch you, to feel you, to kiss you, you’re like a star, can’t embrace you in my arms, how i wish you were here to enfold me, to kiss me, when i am on my way home, can’t wait till i pick up the phone, to call you, to talk to you,
all i have is only one choice, just to hear you sweet voice, saying i love you, i love you, it’s not enough to say i love you cause i want you to be next to me and i wanna kiss you tenderly, ain’t no satisfied just to say i love you, i wanna say it face to face and i wanna feel your sweet embrace, i can’t wait till the day that we can be together;
it's not enough words by zantuangelo 18th of may, 2001

Wednesday, May 2, 2001

kapag puso'y nasaktan

mahirap isip-isipin, mahirap unawain, paglaho ng ating pagibig ay sadyang kay hirap tangapin, hindi makahinga, wala ng tibok, anong hirap ang nadarama, ang paglisan ay sadyang kay sakit, bakit nga ba nagkaganito, bakit hinayaan natin maglaho, ang pagibig natin noon na kay tamis, ang puso ngayon nagdurusa, hapdi at kirot ngayon ang nadarama, ang puso ngayon ay nagiisa, nalulungkot at umiiyak; kapag puso'y nasaktan words by zantuangelo 3rd of may, 2001

Thursday, April 26, 2001

sana

kapag ikaw ang kausap anong saya ang nadarama ng puso, hindi maintindihan, hindi maunawaan, gusto kitang laging kausap, maski sa telepono lamang, anong ligaya ang aking nadarama, sana'y ikaw aking makasama sa araw at gabi, makapiling sa bawat sandali, sana'y ikaw ang laging katabi, sa buong magdamag ikaw sana'y ang laging yakap-yakap, ang araw ko’y sumasaya, maski marinig lang boses mo sa telepono, laging may ngiti, laging may tuwa, puso ko'y laging ikaw ang hanap, panaginip ko’y sana maging ganap na ika'y aking makapiling, mababaw lang ako, marinig lang boses mo sa telepono, masaya na ako, minsan pa nga iniisip ko, ako'y kasama mo; sana words by zantuangelo 27th of april, 2001