a person with considerable experience in a certain field is called...

Friday, July 27, 2001

dahil ganyan kita kamahal

ito’y laging tatandaan na ika’y aking mahal na mahal, ang pagibig ko sa’yo na aking alay ay sadyang totoo at tunay, wag mag isip ng ano pa man, dahil ikaw lang ang laman ng aking puso at isipan, ganyan kita kamahal, lumipas man ang araw at oras, ang pagibig ko sa’yo’y hindi mangu-ngupas, dahil ikaw lang ang aking mahal, ang iyong laging tatandaan na hindi kita iiwan, hindi ako mawawala sa puso mo, hindi magkukulang, hindi magbabago ang pagibig ko sa’yo, dahil ganyan kita kamahal; dahil ganyan kita kamahal words by zantuangelo 27th of july, 2001

Monday, July 23, 2001

bakit ito ang kapalit

akala ng aking puso ko ikaw na ang sadyang magmamahal ng tunay, ngunit pagibig mo’y biglang naglaho, ngayon ika’y wala na sa aking buhay, tayong dalawa'y nagsumpaan na tayo'y magmamahalan, ngunit ika'y tumalikod at ako’y iyong iniwan, alam mo ba na mahal na mahal kita, isip at oras sa’yo ay binigay, alam mo ba ang pagibig ko sa’yo ay tapat, pagmamahal ko sa’yo ay totoo, ngunit bakit ito ang kapalit ang iyong paglisan, sadyang kay sakit dito sa puso kong tapat, tumigil man ang aking pagluha, sadyang kay hirap tanggapin, dahil ang tanong ng aking isip
bakit ito ang kapalit;
bakit ito ang kapalit words by zantuangelo 23rd of july, 2001

Wednesday, July 18, 2001

aking mahal

maski ito’y laging sasabihin, kahit ito’y laging babanggitin, sana ito’y paniwalaan na ika’y aking mahal, gabi-gabi ika’y nasa panaginip, araw-araw ika’y laman ng isip, sa bawat sandali ang hanap ay ikaw aking mahal, anong saya na ika’y aking mahal, anong tuwa na ako’y iyong mahal, ikaw lang ang aking iibigin, ikaw lang ang aking mamahalin aking mahal, tayo’y mangako, na ang pagibig natin ay hindi maglaho, malapit man o malayo, ang pagmamahalan natin sa isa’t isa ay hindi magbago; aking mahal words by zantuangelo 18th of july, 2001