‘di mo masabi, minsan di mo mabanggit, dahil minsan sa dulo ng labi, kung ito’y aaminin masakit, alam mong mali, minsan ginagawa mong tama, pero sa huli, ito’y magwawagi sa isang kurap ng ‘yong mata, maraming tanong, alam mong isa lang ang sagot, pero minsan ‘di mo ‘to pinapansin, kahit itago man, sa wakas ika’y lagot, dahil ito’y lilitaw parin, madalas naghahanap tayo ng dahilan, para sandaling makalimutan, pero kahit sa dilim, nagniningning ang katotohanan, ito ba’y masama? ito ba’y batas? ito ba’y laban sa paniniwala? ito ba’y ang makasalanan na prutas? pero ang tanong lagi, ano ba ang tama?; ano ba ang tama? words by zantuangelo 16th of september, 2008
a person with considerable experience in a certain field is called...
Monday, September 15, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)