a person with considerable experience in a certain field is called...

Sunday, October 5, 2008

naburang pag-ibig

tinangay ng ihip ng hangin, sa mga patak ng ulan nabura, natuyo sa sinag ng araw, naglaho na parang bula, ninakaw ng gabi, nawala sa dilim, inagaw ng madamot na panahon, at itinago na parang lihim, parang ganyan ang ating pag-ibig, natunaw na lang bigla, 'di na madinggin ang himig, dahil nilisan ng sigla, may luha ang sampal ng iglap, ang palo ng lamig dama yakap ang sarili, nagtatanong kung ito'y tama, sa ala-ala lilitaw, nagsasabing ito ang takdang panahon, kahit masakit dapat bumitaw, dahil ito'y aral mula pa noon; naburang pag-ibig words by zantuangelo 5th of october, 2008