a person with considerable experience in a certain field is called...
Wednesday, April 21, 2004
lihim na pag-ibig
di mo ba napapansin na ako'y sayo may pagtingin, di mo rin ba nahahalata na parang may nais akong sabihin, di mo ba nakikita sa kilos ko't galaw, di mo rin ba naiisip na parang ako sayo'y lumiligaw, sa pagkat di mabanggit ng bibig na ako sayo'y umiibig, dahil natatakot ang damdamin ko na baka ang puso ko'y mabigo, ako'y nangangamba kung aking ipagtatapat, dahil puso'y natatakot sa iyong isasagot, itatago ko na lang ba ang aking nararamdaman? kesa ang puso mapaya lamang; lihim na pag-ibig words by zantuangelo 21st of april, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment