a person with considerable experience in a certain field is called...
Thursday, March 1, 2007
tara, sa bubong!
tara, akyat tayo sa taas ng bubong, malungkot dyan sa may silong, kaya tara, akyat na lang tayo sa taas ng bubong, huwag kang makinig sa mga bulong, kaya tara, umakyat na lang tayo sa bubong, aakayin kita kung gusto mo ng tulong, kaya tara, doon na lang tayo sa may bubong, sa itaas mabagal ang oras parang pagong, kaya tara, akyat tayo ng bubong, makikita mo lahat kapag ika'y sa taas pumatong, kaya tara, akyat tayo sa taas ng bubong, di ka magugutom, sa taas may handang talong at tahong, kaya tara, umakyat na lang tayo sa taas ng bubong, hayaan mo mga manok dyan sa silong na pang sabong, kaya tara, doon na lang tayo sa bubong, tara, sa bubong!; tara, sa bubong! words by zantuangelo 1st of march, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment